Ipinakilala upang magsilbing iyong gabay sa iyong paglaki.
Andyan sa tuwing pasan mo ang lahat ng bigat ng mundo.
Walang araw na hindi mo siya tinawag upang hingan ng tulong.
Ngayong malaki ka na.
Mas alam ang bawat bagay. Hindi na kailangang ituro pa.
Lahat ay hinahanapan mo ng sagot.
Lahat ay binibigyan mo ng dahilan.
Pati Siya na naging gabay mo.
Tinalikuran mo at Pinabayaan.
Dahil lamang sa mga Teoryang hindi mapatunayan.
Maaaring totoo o maaaring kathang isip lang.
Sana sa paghahanap mo ng kasagutan
Hindi ka mawala sa landas.
Hinihintay ka lamang niya,
Nalimutan mo lang ang itinuro sayo nung bata ka.
Kapag gabi, bago matulog.
Kausapin mo siya, lahat sabihin mo.
Wala mang salita, Hindi man sumagot.
SIguradong naririnig ka Niya.
Paano ba yan?
Hinihintay na niya ang pagbalik ng batang paborito niyang kausapin bago matulog.
Patatagalin mo pa ba?:)
aww ganitong ganito ako Mamu! I even wrote something about my childhood and how my maturity lead me away from Him.
ReplyDelete