Pages

Monday, December 15, 2008

salita: bahala na


Nandito nanaman ako. nakaharap sa isang kahong pinapatakbo ng elektrisidad.
Hindi maisip kung ano ang nais na sabihin.

Ang pagsusulat. Ang gawaing minahal, minamahal at aking mamahalin.

Pero minsan, may mga bagay na mas magandang sa sarili na lang nakatago.

Ikinukubli lahat upang wala ng magtanong kung bakit? ano? paano? at kung anu-ano pa.

Nakakainis din kasing sumagot sa mga tanong na pati IKAW, ay hindi alam kung anong isasagot. Ang gulo diba?

Magulo kasi... yan ang estado ng utak ko ngayon.

Madami akong gustong sabihin... Nais ibahagi.. sa wikang ingles man o sa wikang tagalog.
( Pinili ko na lang na ipahayag ito sa sa tagalog. hindi ko alam kung bakit. )

Ngunit ang problema... ay hindi ko alam kung paano sisimulan.

Nakakainis na ba tong basahin? Ako din naiinis na eh!
sige na nga.

Bakit di natin simulan sa mga salita na:
(May iba't iba tayong opinyon sa buhay, blog ko to. kaya hayaan niyo ako!)

Kapag mahal mo ang isang tao, kahit anong inis ang naramdaman mo sa kanya o kanila, maya maya lang mawawala din yun.

Nakakalungkot isipin na yung buhay ko dati ay hindi ko na ulit mahugot sa baul.

Nakakainis ang pera. Kasi yun ang dahilan kung bakit nalulungkot ang ibang tao.
Hindi nga ito ang pinakamahalaga. Pero hindi ko talaga alam kung bakit ang lakas ng kapangyarihan nito na mapaikot ang tao.

Mag papasko na pala. Pero hindi ko pa rin nadarama. bakit kaya?

Siguro kung nakikita ko lang ang hinaharap hindi sana magiging ganito.

MAsaya ko sa buhay ko. Pero minsan hindi pa rin maiiwasan na humiling at kung anu-ano pa.

Pero ito ang buhay na gusto niya para sa kin. Kaya tatanggapin ko.

Masaya ako. Kumpleto at buo kaming pamilya. Napakaligalig at saya ng mga kaibigan ko.
-matatalik na kaibigan, Bratinella, "highschool", "elementary", journleftovers, "college"
mahal ko yang mga yan..

Kaso minsan, may kulang. Ano? SECRET. kasi sa sarili ko na lang yun... yun mga taong malalapit sakin, siguro maiintindihan nila to. o Baka, hindi rin.

ilagay na lang natin sa ganitong sitwasyon.

May mga bagay pala na minsan bigla na lang nawawala. Akala mo babalik pa pero hindi na talaga. Mananatili na lang yung wala. Meron din namang nagagawa mo dati, Araw araw, linggo-linggo man... o kahit kailan basta nagagawa mo... na pag lipas ng taon, dahil sa mga pagbabago ng panahon ay mananatili na lang na alaala.

Bakit kaya kung sino pa yung nagpapakamabuti sila pa yung hindi binibigyan ng kalayaan.
wag na nating palawakin pa. sakin na lang yun. baka kasi hindi salita ang bumuhos dito kundi LUHA.
baka lang naman.


walang naiiyak. hindi ako naiiyak. madami ng nangyayari sa buhay ko na pati ako hindi ko naisip na mangyayari pala. hindi ko sinasabing OK LANG YAN. sinasabi ko na lang bahala na.
Ang mata, isip at utak ko ay pinagtibay na ng panahon. marami na akong prinsipyo sa buhay na nakakubli, ngunit sa aking pagbibilang... mga dalawa at kalahating taon na lamang ay magagamit ko na. Lahat ay aking sinusunod. Pero pag dumating ang panahon na binilang ko, Hindi ko alam kung makikita ko pa ang dating sarili ko. Kung hindi na. wala na akong pakialam.

Bahala na. :)


No comments:

Post a Comment