Pages

Wednesday, April 29, 2009

May quota ang pag-ibig. Kasali ka kaya sa Quota?


Para Kay B

Ito ang unang nobelang inilabas ni RICKY LEE upang maibahagi sa mga tao ang kanyang talento at mga nabuong kwento.
Limot ko na kung saan ko unang narinig ang libro basta naalala ko lang na gusto kong basahin ito dahil natuwa ako sa tagline:

"Me quota ang pag-ibig. Sa bawat limang umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Kasama ka ba sa quota?"

Intriguing diba?

Nakakatuwang isipin na sa isang libro ay may nabuong limang kwento.. Lima nga lang ba?


Unang Kwento: Irene

Isa sa paborito kong kwento. :) Simple pero malungkot. (*malungkot nga ba?). Hindi na kailangan ng masusing paglalahad.
Isang pangakong kinalimutan. Pangako na dinala sa kawalan at nagsimula ng hinagpis.
Si Jordan. Siya ang dahilan. Sabi niya kasi "Pag laki mo, pakakasalan kit."
Katulad ng ibang kababaihang naniwala sa pag-ibig, nabuhay siya sa isang pangako.
Matutupad kaya ito?
May quota ang pag-ibig diba?


Pangalawang Kwento: Sandra (*ang tauhang hinangaan ko sa huli.)

Ang kwentong pinakabawal sa lahat ng "pinakabawal." Tinatawag nilang immoral sa bayan ng mga moral. Ikinubli niya ang alaala ng nakalipas. Binuhay ang sarili sa kung ano lamang ang nararapat. Kung hindi patas, hindi balanse. HINDI tama.
Pinilit niyang kalimutan ang mapait na nakalipas ngunit ayaw siyang pakawalan ng maling alaala lalo na't may iniwan itong magandang requierdo.
Sa kanyang pagtulog kanyang itinatanong "Kamusta na kaya si Kuya?"
May space pa kaya si Sandra sa quota?


Ikatlong Kwento: Erica

Nakapunta ka na ba sa Maldiaga? Ang lugar kung saan hindi marunong magmahal ang mga tao.
Si Erica -- isang babaeng inosente at ignorante sa totoong mundo. Pangarap niya maging artista. Matupad kaya ito?
Madali siyang mahalin ngunit paano kaya nila papatunayan?
Manhid nga ba siya?
Si Erica na ba ang isa sa limang magiging masaya?


Ikaapat na Kwento: Ester

Sapat na ang saya. Hindi kailangang lubos...
May sikretong kaligayahan. Kaligayahang patuloy na ipinaglalaban sa buong mundo. Kasiyahang hindi pinapanigan ng karamihan.
Si Ester at si Sara -- masaya na silang magkasama habang pinagmamasdan ang bubong na gumuhit ng pagmamahalan.
Ester: "MAY MAS MAHALAGA PA NAMAN KESA SA PISIKAL."
Karapat dapat ba si Ester sa quota?

Ikalimang Kwento: Bessie

Ang malandi sa lahat ng malalandi. Ang hindi marunong magmahal ngunit magaling sa maraming bagay. Hmmm. Immoral. Pokpok. Hudas. Ahas. at marami pang kasukdulan.
Magbabago kaya siya?
May karapatan ba si Bessie sa Quota ng Pag-ibig?

S
i Bessie... o Si Lucas?

Si Lucas na siyang nagmahal kay Bessie.
Pwede kaya si Lucas sa Quota? Dahil siya ang nagmahal ng taong hindi karapat dapat?


Si Irene. Si Sandra. Si Erica. Si Ester. Si Bessie
Sino ang may puwang sa quota?
Si Lucas kaya magiging masaya?

May quota nga ba talaga ang Pag-ibig?

Sino ba si B? Isa ka bang Capital S?
Ano nga ba ang 3K ng pag-ibig?



...Paminsanminsan sa gabi'y napapaluhod siya sa madilim na silid at pilit na inaalala ang isang letra...






No comments:

Post a Comment