Pages

Saturday, November 14, 2009

--Parang--

*fiction

Magkasama kaming naglalakad papunta sa kung saan.
Hindi alam kung saan pupunta.
pero Ayos lang.

Ganun naman lagi. Sanay na ko.

Sanay na kong wala lang pag magkasama kami.

masaya naman daw kami ng ganun.

Kaso nakakapagod din pala. nakakasawa.





Tumigil akong maglakad. Nagtanong siya, Bakit?

Sabi ko, Hindi ka pa ba napapagod? Hanggang ganito lang ba ang kaya mong ipadama?

Hindi siya sumagot. Ayan nanaman siya. Paawa Effect.

Kaso Pagod na akong mabalewala. Bumilang na ako ng 1 - 1000 pero hindi pa rin sapat yun

OK NAMAN TAYO ng Ganito. . . Hindi ko na malunok yung mga salitang yun.




Ayoko na ng mga ngiti. Gusto ko namang tumawa.

Sawa na akong umintindi. Hindi ko na kasi maintindihan.


Natatakot ka ba? Ako rin naman. ayoko masaktan. pero hindi naman maiiwasan yun diba?



KAYA.. ayoko na... tama na.

Hindi lang siguro ako yung sagot sa mga kalituhan mo.

Kasi kung ako yun, matagal mo ng nakalimutan na takot ka...

Siguro. Ganun Talaga.

Hindi na lang OO at HINDI ang sagot. Siguro, Pwede, Parang...

oo pero hindi. magulo. masakit sa ulo.

Kung ganyan din lang lumayo ka na bago mo pa malimutan ang sarili mo at mawala sa isip mo na

hindi IKAW. pero parang..




No comments:

Post a Comment