Pages

Friday, May 23, 2008

little thoughts of a crazy head


Wala namang magandang nangyari this day. same old story.
gumising ako ng maaga, nagbukas ng tindahan ni inay at ayun.
nung tanghali, nanuod ng tv tapos text ng text. hanggang sa nakatulog tapos nagtext ulit. nanuod ulit.

ansaya ng buhay diba???

what i've realized this day is, the writers of today's world have became mature to the thoughts that they want to share to their readers. Hindi lang readers, pati audience etc.

Hindi man nakikita ng lahat ng tao pero alam nilang kahit isa may buhay silang nabago. Buhay na natapik. Taong napaiyak. Napatawa. Napainlove at kung ano ano pa.

I don't know if i'm weird but everytime i watch shows, movies man o tv programs also books, pag nagandahan ako sa story, nasasabi ko agad na ang lupit ng writers! haha! syempre kasama na din dun yung pagpuri ko sa mga characters and celebrities. Hmmm.

While watching myx and mtv kanina, napansin kong habang nililipat lipat ko yung channels, madami na pala talagang korean shows ang naipaaplabas here sa Philippines. For me, wala namang masama dun eh! Not that im super fan. But, yes nanunuod din ako ng mga koreanovelas and as i said to my friend kanina i want to meet the korean writers. Nakakabilib sila.

That's my opinion. haha. Nagagawa nilang maging light yung mga plot nila. Pero pag dumating na sa climax, dun mararamdaman ng audience yung "real story". Kaya nilang ipasok yung "pain" sa mga nanunuod. Just a simple scene pero pag sineryoso mo masakit. Ang kulit no? Masyado na bang seryoso? Haha.

Basta if i will be given the chance gusto ko talagang maka meet ng mga writers!!! Swear,
Nangunguna na dun si Mitch Albom and Meg Cabot bukod sa mga korean writers. Gusto kong itanong sa kanila kung pano nila natutuloy yung story nila pag may times na inaatake sila ng lungkot, galit etc.
At totoo bang mas maganda ang naisusulat mo pag inspired ka? Pano kung hindi ka inspired tapos kailangan mong i-meet yung deadline?..

Halatang wala na kong magawa. hahaha. Kinuwento ko yung umaga ko hanggang sa nasabi ko na gusto kong maka meet ng writers. hahaha Baliw talaga.

tagline:

emotions - logic = FAITH .. di ko siya maexplain pero naiintindihan ko siya. nakuha ko to sa eureka habang nanonood ng something sa star world. O ayan...
andaldal ko nanaman. haha :)

No comments:

Post a Comment